PISA | Manager ng isang fastfood chain patay sa road crash sa Hermosa, Bataan

Hermosa, Bataan – Malagim na trahedya ang kinasapitan ng isang manager ng kilalang fastfood chain sa naganap na road crash sa Barangay Palihan, Hermosa, Bataan.

Sa inisyal na ulat kinilala ang biktimang si Sandy Roque, isa sa mga store managers ng sangay ng Jollibee sa Hermosa, Bataan.

Nabatid sa imbestigasyon na sakay ang biktima ng isang motorsiklo nang masagi umano ng isang sasakyan saka sumemplang ito at natyempo namang paparating ang isang truck at nasagasaan ang biktima.


Ang driver ng motorsiklo na nakilala lamang sa pangalang warren ay naisugod naman ng mga rumespondeng rescue unit sa isang ospital.

Facebook Comments