PISO | UV Express – humirit ng dagdag-pasahe

42

Manila, Philippines – Humirit na rin ng dagdag-singil sa pamasahe ang mga operator at driver ng UV Express.

Pisong dagdag sa kada kilometro ang nais nilang ipatupad.

Apektado na rin daw kasi sila ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Apela ng Code-x Transport Service Cooperative sa LTFRB, pagbigyan sana ang kanilang petisyon kasunod ng pagpayag nila ng ahensya sa dagdag-pasahe ng mga jeep.

Sa ngayon, nasa P2 kada kilometro ang singil sa UV Express.

Facebook Comments