Isabela Police Provincial Director Mariano Rodriguez, Handang Disiplinahan ang mga Patulog-tulog na Pulis!

32

Cauayan City, Isabela- Handa umanong disiplinahan ni Isabela Police Provincial Director Police Senior Superintendent Mariano Rodriguez ang mga makikitang patulog-tulog na pulis habang naka-duty.

Ito ang inihayag ni Provincial Director Police Senior Superintendent Rodriguez sa naging panayam ng RMN Cauayan kung saan ay magsasagawa umano ito ng biglaang pagbisita sa mga Police station dito sa Isabela upang tiyakin kung ginagawa ng kapulisan ang kanilang mga responsibilidad bilang mga alagad ng batas.

Malaki rin umano ang kanyang paniniwala na ligtas umano ang kapulisan sa kanilang mga isinasagawang operasyon kontra iligal na droga sa mga lugar na apektado o kinaroroonan ng mga makakaliwang grupo dahil alam umano ng mga ito ang layunin ng kapulisan na supilin ang droga.

Samantala, higit pa umano nilang paalalahanan at didisiplinahan ang mga pulis na sangkot sa droga dahil mayroon na umanong isang pulis ang nagpositibo sa Drug Testing at ito ay nakatakda nang isailalim sa dismissal proceedings.

Facebook Comments