Manila, Philippines – Sugatan ang pitong katao sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar at ng Rebeldeng New People’s Army sa Luisiana, Laguna.
Ayon kay Lt. Col. Christopher Tampus, commander ng 1st infantry battalion ng 202nd brigade ng Philippine Army, kabilang sa nasugatan ang dalawang sibilyan, apat na sundalo at isang miyembro ng Cafgu na si Domingo Garcillas.
Habang kinilala ang mga sundalong sina Sgt. Marvin Bagaboro, Sgt. Zaldy Lebantino, Sgt. Teejay Antonio at Sgt. Jeff Ray Gatlabayan.
May mga sugatan din sa panig ng npa pero hindi matukoy ang bilang ng mga ito.
Dahil sa engkwentro, tatlong oras na isinara sa mga motorista ang national highway ng Luisiana.
DZXL558
Facebook Comments