MANILA – Nagdeklara na ng Outbreak ng Newcastle Disease Virus o Avian Pest ang pitong Bayan sa Ilocos Norte.Sa taya ng Provincial Veterenary Office – mahigit siyam na libong manok ang nasawi mula sa bayan ng Pagudpud, Burgos, Bangui, Adams, Dingras, Marcos at Banna.Dahil dito – nagsasagawa na ng pagbabakuna ng mga manok ang Provincial Veterenary Office sa ibang lugar para hindi na mahawaan ng virus.Pero giit naman ni Agriculture Undersecretary Jose Reaño – hindi sapat ang pagbabakuna sa manok.Disyembre noong nakaraang taon nang magsimulang kumalat ang Avian Pest dahil sa malamig na panahon.Una nang ipinakiusap ng DA sa mga poultry na iwasan ang pagbiyahe ng mga manok para hindi mahawaan o makahawa kung carrier ito ng virus.Karaniwang tanda namang namatay sa avian pest ang manok kung mabilis itong mamaho, namamaga ang mukha o namumula ang mata. (DZXL 774 // Jennifer D. Corpuz – Writer)
Pitong Bayan Sa Ilocos Norte – Nagdeklara Na Ng Outbreak Dahil Sa Newcastle Disease Virus O Avian Pest
Facebook Comments