Pitong kilometro tubong pagdadaluyan ng beer, ibinaon sa lupa sa Germany

Germany, Philippines – Sinimulan nang itayo sa Northern Germany ang isang tubong may habang pitong kilometro na maghahatid ng 400,000 litro ng beer sa isang music festival doon sa August.

Inaasahan kasi ng mga organizers na aabot sa 75,000 ang dadalo sa music festival at bawat isa sa mga ito ay kokonsumo ng 5.1 litro ng beer sa loob ng tatlong araw.

Ibabaon ang tubo ng 80 centimeters sa ilalim ng lupa para masiguradong laging magiging malamig ang beer na dadaloy sa loob nito.


Pinili ng organizers na tubo na lang ang maghatid ng beer sa halip na mga trucks na maaring makasira sa hindi sementadong festival grounds.

Kahit malaki ang tubo ay sapat naman ang magiging pressure sa loob nito para makapagpuno ng anim na baso ng beer sa loob lang ng anim na segundo.
DZXL558

Facebook Comments