Quezon City – Makalaglag-panga ang husay ng 26-anyos na Pinoy artist mula Quezon City dahil sa paggawa nito ng mga pixelated portrait.
At hindi gaya ng ibang artist, kakaiba ang medium na ginagamit ni Kel Cruz sa kanyang mga artwork.
Sa halip kasi na coloring materials, scotch tape, palito ng posporo, fingerprints, lipsticks, ketchup, beer at sarili niyang dugo ang ginagamit niya sa paggawa ng mga ito.
Matapos ngang magviral sa social media ang kanyang mga gawa, sunod-sunod na alok na rin sa mga TV station ang natanggap ni Kel para i-feature kanyang mga pixelated artwork.
Dahil din dito, kilala siya ngayon sa bansag na “”pixelated art wizard.”
Facebook Comments