Showbiz – Kinatigan ng Court Of Appeals (CA) ang desisyon ng Taguig City RTC na nagpapahintulot kay model-stylist Deniece Cornejo at dalawang iba pa na makapagpiyansa.
Kaugnay ito ng kasong serious illegal detention may kinalaman sa nangyaring pambubugbog kay television host-comedian Vhong Navarro noong january 2014.
Base sa desisyon ng CA ninth division , nabigo ang Department Of Justice at si navarro na makapagpakita ng katibayan na umabuso si Judge Esperanza Paz Cortes ng Taguig RTC Branch 271 sa pagpayag nitong makapagpiyansa sina Cornejo, businessman Cedric Lee, at martial artist Simeon “Zimmer” Raz sa kasong serious illegal detention.
Sina Lee, Cornejo at Raz ay nakalaya noong September 2014 matapos magpiyansa ng tig-kalahating milyong piso.
January 22, 2014, nang bugbugin ng grupo ni Lee si Navarro matapos daw nitong halayin si Cornejo sa condominium ng model-stylist.
Piyansa nina Deniece Cornejo at Cedric Lee sa kasong inihain ni Vhong Navarro, pinagtibay ng Court of Appeals
Facebook Comments