Lyceum Pirates, pasok na sa finals ng NCAA Season 93

Sports – History in the making ang ginawa ng Lyceum of the Philippines University Pirates matapos na matalo ang defending champion na San Beda Red Lions sa double overtime game sa score na 107-105.
Dahil sa panalo, na-sweep nila ang elminations sa Season 93 ng NCAA na may 18-0 win/loss record kaya’t awtomatikong pasok na sila sa finals.
Nanguna sa Lyceum si Mike Harry Nzeusseu (Suzu) na may 27-points at 21-rebounds.
Ito na ang best start ng LPU sa kasaysayan ng liga at kauna-unahan din nilang makapasok sa finals ng NCAA.

Facebook Comments