PLAKA NG MGA SASAKYAN NA NAIREHISTRO NOONG 2016, AVAILABLE NA SA LTO CAUAYAN

Nananawagan ang pamunuan ng Land Transportation Office o LTO na nakabase dito sa Lungsod ng Cauayan sa mga kliyente na nagrehistro at nakapagbayad ng replacement plate number noong 2016 na maaari nang kunin ang bagong plaka sa kanilang tanggapan.

Sa ating panayam kay Ginoong Deo Salud, Senior Supervising Transportation Regulation Officer 1 ng LTO Cauayan, ipinapabatid nito sa lahat ng mga may-ari ng sasakyan na nairehistro at nakapagbayad ng replacement plate na magtungo na sa kanilang opisina para mapalitan na ang lumang plaka.

Ang mga plate number na available sa LTO Cauayan ay mga plakang nagtatapos sa 1,2,3,4 at 7 habang ang mga may plakang nagtatapos sa 5 at 6, 8,9 at 0 ay kasalukuyan pa umanong pinoproseso.

Nilinaw ni Salud na ang pagkakaantala ng pag-isyu ng plaka ay dahil sa nangyaring problema sa Commission on Audit o COA.

Paalala naman nito sa mga kukuha ng replacement plate number na dalhin lamang ang Official Receipt at Certificate of Registration o OR/CR ng sasakyan.

Facebook Comments