PLANE CRASH | Eroplano sa Mexico, bumagsak; Mahigit 90 pasahero, himalang nakaligtas

Mexico – Siyamnaput pitong pashero ang himalang nakaligtas matapos bumagsak ang sinasakyang eroplano sa Mexico.

Ayon kay Governor Jose Aispuro ng Durango State, mula sa Guadalupe Victoria International Airport at papunta sa Mexico City ang Aeoromexico Flight AM2431 ng ito ay bumagsak 10 km. matapos ang take-off.

Nakarinig ang ilang residente sa lugar ng malakas na pagsabog bago bumagsak ang eroplano.


Agad naman na dinala sa pagamutan ang mga nakaligtas na pasahero habang iniimbestigahan ang insidente.

Facebook Comments