PLANO NG DALAWANG KWALIPIKADONG KUMPANYA NA HANDANG MAGSAAYOS NG PALENGKE, ALAMIN!

Baguio, Philippines – Mga plano ng SM Prime Holdings Incorporated at Robinsons Corporation ipinakita na sa konseho noong lunes para sa pampublikong konsultasyon.

Sa iprinisintang plano ng Robinsons Corporation na nagkakahalagang  P6.148 billion, magpapatayo ang kumpanya ng dalawang gusali, isa ay para sa mga lokal na market stakeholders at ang isa ay para naman sa mga may mall component at ito ay aabutin ng apat na taong kunstruksyon. Samantala, ipinakita naman ng SM Prime Holdings ang nasa higit na P5.4 billion, na seven-story building kung saan ang unang dalawang palapag nito at para sa mga lokal vendors, tatlong top floors para sa  mall components at dalawang palapag bilang parking lot na kayang magserbisyo sa higit 1,900 na sasakyan.

Ang dalawang proposal project ay parehong may open area sa itaas ng mga gusali na magsisilibing gathering area at pupunuin ng mga disenyong naa-ayon sa lokal na kultura ng syudad.


Isang transfer area naman ang isasagawa habang patuloy ang konstruksyon at inaasahang madadagdagan at kayang magdagdag ng 5,396 vendors ang makabagong palengke.

Sinigurado ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na kung sakaling matapos ang pagpapaganda ng palengke ng isa sa malalaking kumpanya, ang lokal na gobyerno lamang ang tututok sa mga polisiya at pag-oorganisa ng renta ng mga nasa 3,000 legitimate vendors kasama ang mga madadagdag na mga vendors at para maisa-ayos din ang mga naging problema ng merkado publiko sa mga nakaraang taon.

Dagdag naman ni City Administrator Bonifacio Dela Peña patungkol sa mga ipinakitang proposal ng dalawang kumpanya, minimal o kahit hindi na dapat magkaroon ng kumpetisyon ng benta mula sa ilang goods ng vendors at goods ng malls para mabigyan ng “malawak na daan” ang mga nagtitinda ng lokal na produkto.

Photo by: POSD Baguio

Facebook Comments