Planong pagpapabagsak sa Duterte Administration kasabay ng Malawakang Protesta sa Sabado sa paggunita ng EDSA Revolution, minaliit ng Malakanyang

MANILA, PHILIPPINES – Hindi nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng destabilization effort o tangkang pagpapabagsak sa kanyang administrasyon.

 

Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, tumawa lang si Pangulong Duterte at sinabing bahala na si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo tungkol dito.

 

Aniya, posibleng konektado ito sa muling pagbuhay ni Sen. Antonio Trillanes IV sa isyu ng bank account ni Duterte at testimonya ni retired SPO3 Arthur Lascañas.

 

Dagdag pa ni Andanar, handa na rin sila sa nilulutong malawakang kilos protesta sa Sabado, Pebrero 25 kasabay ng paggunita sa EDSA People Power Revolution.

 

 

Una nang sinabi ng Malakanyang na gagawing simple ang paggunita sa EDSA People Power, ngayong taon kung saan magkakaroon lamang ng maikling programa sa loob ng Camp Aguinaldo.



 

 

Facebook Comments