MANILA – Inalmahan ng oposisyon sa kamara ang banta ni pangulong rodrigo duterte na pagsuspinde ng writ of habeas corpus dahil sa iligal na droga sa bansa.Iginiit ni minority member at albay rep. Edcel lagman na walang legal at matibay na batayan si duterte para isakatuparan ang planong pagsuspinde dito.Ayon kay lagman – maaari lamang gawin ang pagsuspinde sa writ of habeas corpus, batay sa batas kung ang bansa ay nahaharap sa pag-atake ng dayuhan puwersa at rebelyon at hindi maituturing na ground for suspension ang maigting na kampanya ng duterte administration sa illegal drugs.Kasabay nito, nagpahayag nang pagkabahala ang kongresista na muling maranasan ng bansa ang madilim at marahas na kasaysayan ng martial law kung saan lalo dadami ang biktima ng extra judicial killings.Nabatid na kapag nasuspinde ang writ of habeas corpus, hindi obligado ang mga otoridad gaya ng pnp, afp o nbi na ilabas o ilutang ang isang personalidad o akusado na inaresto o pinaniniwalaang dinukot.Sakaling ituloy ng pangulo ang nasabing suspensiyon, tiniyak ng minorya na kanilang babaliktarin o ipawalang-bisa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng majority votes sa hanay ng mga mambabatas sa isang regular o special session.
Planong Pagsusupendi Ni Pangulong Rodrigo Duterte Sa Writ Of Habeas Corpus – Pinalagan Ng Minorya Sa Kamara
Facebook Comments