Planong pagtulong ng US sa operasyon laban sa Daesh inspired Maute Group na nasa bansa, hindi maaring gawin ng US ayon sa AFP

Manila, Philippines – Hindi maaring magsagawa ng anumang military operation ang Amerika sa Pilipinas.

Ito ang sagot ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla kaugnay sa ulat na plano ng Amerika na tulungan ang Pilipinas sa paglaban sa Daesh inspired Maute Group na nasa Pilipinas ngayon.

Paliwanag ni General Padilla, maari lamang makialam sa operasyon ng AFP sa bansa ang Estados Unidos kung mayroong kasalukuyang actual invasion o pananakop sa bansa.


Dagdag pa ni Padilla na batay sa mutual defense treaty ang maari lamang ibigay ng US sa mga sundalong Pilipino ay technical assistance at training.

Magkagayunpaman, ikinatutuwa naman ng AFP ang planong pagtulong ng US.

Ito ay sa kabila na wala pa silang pormal na komunikasyon mula sa Amerika kaugnay dito.

Facebook Comments