Binatikos ng Gabriela Women’s Party ang nais ng Manila Water Company Inc., na magtaas ng singil sa susunod na anim na taon simula January 2023.
Sa proposal ng Manila Water, itataas ng ₱8.04 ang kada cubic meter ng singil sa tubig kaya tataas ng ₱35.86 per cubic meter ang singil nito mula sa kasalukuyang ₱26.81 per cubic meter.
Giit ng Gabriela party-list, hindi makatao ang pagtataas ng singil sa tubig sa kabila ng nagtataasang presyo ng bilihin at serbisyo kaya Kung itutuloy ito ay para na ring nilunod ang mga Pilipinong halos wala nang makain sa pang araw-araw.
Dismayado ang Gabriela na halos taon-taong tumataas ang singil sa tubig, pero halos taon-taon din naman ang serye ng service interruptions at bulok na serbisyo.
Diin pa ng grupo, ang mga pagtataas sa singil sa tubig ay patunay na palpak ang water privatization dahil ang prayoridad ng mga korporasyon ay ang tubo kaysa serbisyo sa mamamayan.