TOP 1 most wanted sa Eastern Visayas, nadakip ng PNP

Arestado sa ikinasang Oplan Pagtugis ng PNP-CIDG ang Top 1 most wanted person sa Eastern Visayas.

Kinilala ni PNP-CIDG Director PBGen. Ronald Lee ang akusado na si Rollen Borel Millarada, alyas Bunso.

Si Millarada ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder sa isang 64 taong gulang na lalaki sa Jaro, Leyte.


Miyembro din si Millarada ng Marmita-Millarda Group na sangkot sa robbery/hold-up, gunrunning, gun-for-hire at illegal drugs sa Dagami, Leyte; Pastrana, Leyte; Jaro, Leyte at kalapit na lugar.

Sa ngayon, hawak na ito ng CIDG-NCR para sa booking procedure bago tuluyang ilipat sa kustodiya ng pulisya sa Eastern Visayas.

Facebook Comments