Sa layuning agad na matulungan at muling makabangon ang mga magsasaka mula sa bayan ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao , inilunsad ang 1st Planting Festival for Seed Grower at Hybrid Rice.
Isinagawa ito sa Brgy. Talisawa noong araw ng sabado May 9, at pinangunahan ito mismo ni DAS Mayor Datu Pax Ali Mangudadatu habang naging naging bisita ang mga opisyales mula Ministry on Agriculture , Fisheries and Agrarian Reform o MAFAR BARMM, Ministry on Environment , Natural Resources and Energy o MENRE BARMM , Provincial Agriculture Office, NIA Maguindanao at mga farmers organization.
Hangad din ng aktibidad na ipakita sa buong Maguindanao maging sa Bangasamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na kayang-kaya na maging source ng Agricultural Products ang bayan ng DAS sa kabila ng perwisyong hatid ng Covid 19 ayon pa kay Mayor Mangudadatu.
Matatandaang ngayong humaharap sa krisis ang karamihan bunsod sa Corona Virus Pandemic naging supplyer ng gulay ang DAS sa mga kalapit bayan nito.Mismong ang LGU na ang bumibili ng Farm Products ng kanilang magsasaka at ang LGU na ang nagbibenta nito .
Kaugnay nito, nagpaabot naman tulong sa anim na Farmers Irrigators Association ng bayan ang LGU , na nagkakahalaga ng tig P50,000 . Layun nito ay upang makadagdag sa mga pangangailangan ng mga magsasaka ng bayan dagdag pa ng batang alkalde.
Bukod sa bigas, gulay may plantasyon rin ng saging, kalamansi at grapes ang bayan ng DAS.
Samantala hindi naman inalintana ng ni Mayor Datu Pax Ali na lumusong sa sakahan sa ilalim ng matinding sikat ng araw upang ipadama lamang ang kahalagahan ng mga magsasaka at upang bigyan ng saludo ang mga sakripisyo ng mga ito.