Manila, Philippines – Plantsado na ang inilatag na seguridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.
Ayon kay NCRPO Director, C/Supt. Guillermo Eleazar – wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad.
Nakikipag-ugnayan na rin ang NCRPO sa iba pang peace and order agencies ang MMDA at Department of Public Order and Safety ng Quezon City government.
Bukod sa mga itinalagang pulisya, magbibigay alalay din aniya ang aabot sa 600 karagdagang pwersa mula sa Armed Forces of the Philippines.
Ipatutupad ng kapulisan ang maximum tolerance at hahayaang makapagsagawa ang mga nais na magkilos protesta.
Facebook Comments