Plastik, ipinagbabawal na sa Boracay!

Manila, Philippines – Mahigpit nang ipinagbabawal sa isla ng Boracay ang plastic at styrofoam sumula bukas, July 15.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan kukumpiskahin na ang sinumang may dala o makitaan ng plastic.

Bawal na ring magbigay ng plastic ang mga tindahan, kainan at pamilihian.


Layunin nito na bawasan ang mga basurang naiiwan sa Boracay.

Sa kabila ng mahigpit na ipapatupad na ordinansa, masisimula pa sa Enero ng susunod na taon ang parusa sa mga lalabag.

Pagmumultahin ng 1,500 pesos para sa unang paglabag, 2,000 pesos para sa ikalawa at para sa ikatlong paglabag 2,500 o pagkakakulong ng anim na buwan.
DZXL558

Facebook Comments