Bilang paghahanda sa susunod na henerasyon ng mga atletang Pinoy, opisyal nang inilunsad ng local gaming platform na OKBet ang “Play It Forward” campaign nitong Miyerkules sa Lucky Chinatown Mall sa Binondo, Manila.
Kasunod nito ay inanunsyo ng kompanya ang pagdaraos ng basketball camp ngayong Oktubre para sa mga aspiring athletes na edad 16 hanggang 20 years old.
Ang mga ito ay ite-train ng mga manlalaro at coaching staff mula sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) team GenSan Warriors OKBet, kabilang ang kanilang head coach na si Marlon Martin.
Nais ng OKBet na matiyak na mapapalago at malilinang ang kasanayan, kaalaman at values ng ating mga batang atletang Pinoy.
Bunsod nito, pormal na nilagdaan nina OKBet’s Vice President for Marketing and Business Development Robert Chen at Corporate Social Responsibility Manager Pebbles Muniz ang Memorandum of Agreement kasama GenSan’s Representatives na sina Valerie Flores at team Manager Mermann Flores.
Kabilang sa mga napili bilang pilot beneficiaries ang mga estudyante mula sa Alternative Learning System (ALS) program ng Marcela Agoncillo Elementary School, Rajah Solaiman Elementary School, at Pedro Guevarra Elementary School.
Personal na winelcome ang mga estudyante kasama ang kanilang mga guro ni Manager Muniz kung saan pinasalamatan din nito ang mga GenSan Warriors OKBet roster na lumahok sa programa.