Plenary deliberation sa P5.024 trillion 2022 national budget, umarangkada na sa Kamara

Sinimulan na ang budget deliberation sa plenaryo ng P5.024 trillion 2022 national budget.

Sa opening statement ni Appropriation Committee Chair Eric Yap, na binasa ni Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe, binigyang diin na ang pambansang pondo para sa susunod na taon ay nakatutok sa social protection services ng pamahalaan sa gitna ng pandemya.

Kabuuang P3.502 trillion ang alokasyon para sa operation ng national government, P3.351 trillion ay nakalaan sa programmed appropriations habang P1.516 billion ang para sa unprogrammed.


Pinakamalaking bahagi ng proposed budget ay para sa social services sa P1.92 trillion o 38.3% ng kabuuang national budget, economic services na may P1.47 trillion, general public services sa P862.7 billion.

Mayroon naman P224.4 billion ang defense sector habang P541.2 billion ang para sa pambayad utang.

Paglalaanan naman ng P395.59 billion ang COVID-19 response ng pamahalaan.

Unang sumalang sa deliberasyon ang Department of Finance (DOF) at mga attached agencies nito at National Economic and Development Authority (NEDA) at mga attached agencies.

Facebook Comments