PLUNDER CASE | House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, iniimbestigahan pa rin – outgoing Ombudsman Conchita Carpio-Morales

Manila, Philippines – Nilinaw ni outgoing Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nasa ilalim pa rin ng imbestigasyon ang bagong House Speaker na si Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ay may kaugnayan sa kasong plunder dahil sa kwestyonableng paggamit ni Arroyo ng intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong siya pa ay pangulo.

Ayon kay Morales, iniimbestigahan pa ang kaso, pero wala pang ipinapasa sa kanya ang mga imbestigador hanggang sa ngayon.


July 2016, nang ibunyag ni Morales na sumailalim sa preliminary investigation sa si Arroyo dahil sa reklamong pagkakadawit niya sa maling paggamit ng confidential intelligence fund ng PCSO na aabot sa 57 million pesos na na-disbused mula 2004 hanggang 2007.

July 2016 din nang ibasura ng Korte Suprema ang hiwalay na plunder case na isinampa ng Ombudsman laban kay Arroyo sa Sandiganbayan noong 2012.

Naospital si Arroyo at kinalaunan ay na-house detention sa halos apat na taon matapos ibasura ng Kataas-Taasahang Hukuman ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya at kabiguang pagtukoy sa pangunahing nandarambong sa kaso.

Facebook Comments