May imbestigasyon nang ginagawa ang pamunuan ng Philippine Military Academy sa Baguio City para matukoy kung may foul play sa pagkamatay ng bente anyos na si Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio sa loob ng akademiya kahapon.
Sinabi ni Major Reynan Afan, tagapagsalita ng PMA, na iniutos na ng Commandant of Cadets ng PMA ang “restrictive confinement” sa upperclass at squadmates ni 4th class Dormitorio upang imbestigahan sa pagkamatay nito.
Sa inisyal na imbestigasyon Cardiac arrest secondary to internal hemorrhage ang ikinasawi ni Dormitorio.
Dumaing ito na masakit ang tiyan at biglang sumuka.
Natagpuan siyang walang malay sa Room 209 ng Mayo Hall Annex. Agad siyang dinala sa ospital at sinubukang i-revive pero namatay rin.
Kinordonan na ang nasabing kwarto na itinuturing na crime scene.