Isiniwalat ng isang kongresista ang isa pang anomalya sa PhilHealth claims.
Ibinulgar ni Anak Kalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na bukod sa dialysis scam ay mayroon pang nangyayaring pneumonia scam.
Ayon kay Defensor, aabot sa P10 Billion ang ibinayad ng PhilHealth sa ospital at iba pang health care providers pero wala namang naitalang epidemya ng pneumonia nitong nakaraang taon.
Paliwanag ni Defensor, walang kailangang dokumento sa ospital o health care provider para sa P15, 000 na basic case rate para sa pneumonia.
Dahil dito, sa pagbubukas ng 1st regular session ng 18th Congress sa July 1 ay isusulong nila na maimbestigahan din ang pneumonia scam.
Umapela rin sila sa Commission on Audit na magsagawa ng special audit sa pondo ng PhilHealth.