PNP Anti-Cybercrime group, pinag-iingat ang publiko sa mga online transaction lalo na ngayong holiday season

Hinimok ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group ang publiko na maging mas maingat upang hindi mabiktima ng mga online kawatan lalo na ngayong holiday season.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni PNP Anti-Cybercrime Group Spokesperson Lt. Michelle Sabino na lahat ng pamamaraan ay gagawin ng mga kawatan upang maikasa ang kanilang modus.

Payo ni Sabino, maging vigilant o maingat sa mga online transaction lalo na’t magagaling din ang mga online scammer sa mga modus para sa kanilang gagawing pambibiktima.


Kaugnay nito’y hinikayat ni Sabino ang publiko na bisitahin ang kanilang Facebook page na PNP Anti- Cybercrime group at doon ay makikita kung paano anila ginagawa ang panloloko.

Samantalala, sinabi pa ng opisyal na mula January 1 hanggang November 23, 2022, pinakamataas na naitala nilang cybercrime ay estafa o swindling na sinundan ng hacking, identity theft, online libel, grave threat at anti-photo at video voyeurism.

Facebook Comments