Hepe ng Pass Control Division ng MIAA, sinibak dahil sa isyu ng human trafficking

Sinibak ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pass control manager ng MIAA matapos mahuli ang ilang biktima ng human trafficking gamit ang mga pekeng access pass.

Ang pagsibak kay Edelyn P. Ang Solano ay sa harap ng imbestigasyon ng Senado sa nabunyag na paggamit ng pekeng access pass ng mga sindikatong nasa likod ng human trafficking.

Partikular ang sindikatong nasa likod ng crypto currency scam na nag-o-operate sa Myanmar.


Nabatid na si Solano ay inilipat muna sa ibang unit hanggang sa matapos ang imbestigasyon.

Itinalaga naman bilang officer-in-charge ng Pass Control Division ng MIAA si Irene Cano.

Sa ngayon, hinigpitan na ng MIAA ang pag-iisyu ng mga visitor pass.



Facebook Comments