PNP Anti Kidnapping Group, handang humarap sa anumang imbestigasyon kaugnay sa pagpapakamatay umano ng isang suspek sa panggagahasa sa loob ng gusali PNP-AKG

Manila, Philippines – Handa ang pamunuan ng PNP Anti Kidnapping Group na harapin ang anumang imbestigasyon matapos na magpakamatay mismo sa loob ng tanggapan ng PNP AKG kagabi ang naarestong suspek sa panggagahasa at pagpatay na si Hilario Herrera.

Ayon kay PNP-Anti Kidnapping Group Dir. Police Sr. Supt. Glenn Dumlao, sa ngayon nagsasagawa na ang imbestigasyon ang PNP Internal Affairs Office upang matukoy kung may lapses sa insidente.

Agad naman isinailalim sa paraffin test si PO3 Felix Parafina na siyang naagawan ng baril ng nasawing suspek at ang kasama nitong escort na si SPO1 Grant Chaluyen.


Sentro ng imbestigasyon ng PNP ay upang matukoy kung paano nakaagaw ng baril ang suspek gayung nakaposas ito sa harap habang papasok ng detention cell sa PNP AKG Building kagabi.

Pansamantala rin dinisarmahan ang dalawang pulis habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng PNP IAS na ngayon nanatili sa tanggapan ng PNP AKG.

Ang suspek na si Herrera ay inaresto kamakalawa dahil sa kasong panggagahasa sa walonng taong gulang na batang babae sa Nueva Ecija.

Pero pagkatapos na ma-inquest kagabi sa DOJ ay bigla na lamang inagaw ang baril ni PO3 Parafina at ipinutok sa sarili habang nasa ikalawang palapag ng PNP AKG building patungo sa detention cell.

Facebook Comments