Manila, Philippines – Isang kasunduan ang nilagdaan Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ito ay ang Inter-Agency Committee on Legal Action IACOLA.
Mismong si PNP chief PDG Ronald Bato Dela Rosa at AFP Chief of Staff General Eduardo Año ang lumagda sa kasunduan sa isinagawang 20th AFP-PNP National Joint peace and Security Coordination Council Meeting sa Camp Crame NHQ.
Layon ng kasunduan na palakasin ang pagsulong ng mga kaso laban sa NPA at iba pang mga armadong grupo na gumagawa ng atrosidad laban sa PNP at AFP.
Ayon kay Police Director Camilo Cascolan ng Directorate for Operations, bago pa man ang kasunduan ito ay mayroon nang tinatawag na Inter Agency Legal Action Group ang PNP at AFP o IALAG na siyang nagsusulong ng mga kaso laban sa mga rebelde at bandido.
Ang IALAG ay nabuwag noong 2012 at lumikha ang PNP ng Committee on Legal Action, pero hindi aniya ito naging kasing epektibo ng IALAG na pinalitan nito.
Ipinaliwanag naman ni PNP Directorate for investigation and Detection Management Director Augusto Marquez na sa 2,504 ng mga kaso ng atrosidad laban sa mga pulis at sundalo sa kanayunan na naitala ng DIDM mula Jan 2012 hanggang July 2017, 292 Lang dito ang considered cleared o solved.
Ito aniya ay sobrang mababa na “level of performance” sa pag-uusig sa mga gumagawa ng atrosidad laban sa mga pulis at sundalo.
Layon Aniya ni bagong likhang Inter-Agency Committee on legal action IACLA, na solusyunan ang malaking backlog na ito ng mga unresolved na kaso laban sa mga NPA at iba pang kalaban ng estado.