
Narekober ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isinagawang Major Combat Operation ang mga tagong armas ng Communist Terrorist Group (CTG) sa isang masukal na lugar malapit sa Pinicun Falls, Barangay Dadda, Amulung Cagayan.
Ang nasabing pagkakarekober ay naging posible dahil na rin pamamahagi ng impormasyon ng isang dating sumuko na CTG.
Matapos beripikahin ang ulat ay narekober ng mga operatiba ang mga pampasabog, iba’t ibang uri ng bala, mga magasin, isang baril na caliber .38 na may holster, at mga dokumentong may kaugnayan sa subersibong gawain.
Sa ngayon ang mga narekober na pampasabog ay nasa kustodiya ng Cagayan Police Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit.
Habang ang mga non-explosive item naman na narekober din sa nasabing taguan ay nasa pangangalaga ng 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company (CPMFC) para sa wastong dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon.









