PNP, bineberipika na ang report na nakalabas na sa bansa ang suspected drug lord na si Peter Lim

Inaalam na ng Philippine National Police (PNP) kung totoo ang ulat na na nakalabas na ng bansa si suspected drug lord Peter Lim,

Ito ay matapos ihayag ni Interior Secretary Eduardo Año na maaring nakalabas na ng bansa ang suspek.

Sinabi ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, may deriktiba na siya sa Criminal Investigation and Detection Group at Drug Enforcement Unit na imbestigahan kung nasaan ngayon si Lim.


Siniguro ni PNP Chief na kung nasaan man si Lim ay mahuhuli ito kahit nasa loob o labas man ng bansa.

Samantala, hinimok naman ni Eleazar ang publiko na magsumbong sa pamamagitan ng E-Sumbong kung may nalalaman sa kinaroroonan ni Lim.

Matatandaang si Lim ay isinakdal ng Department of Justice (DOJ) sa pakikipagsabwatan sa illegal drug trading kasama sina shabu distributor Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco at Ruel Malindangan.

Si Lim ay may patong sa ulo na P500,000 mula pa noong 2018.

Akusado rin sya sa pagsusuplay ng halos 90 kilo ng shabu sa Espinosa drug group noong 2013 at 2015 sa Region 7 at 8.

Sa pag-iimbestiga pa ng mga awtoridad, may iba pang transaksyon si Lim sa hindi pa tukoy na dami ng ilegal na droga noong 2014.

Facebook Comments