PNP, binigyan ng karapatang manghuli ng lalabag sa EO 26 o ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar

Manila, Philippines – May karapatan o otoridad ang mga miyembro ng Philippine National Police na manghuli ng mga lalabag sa Executive Order 26 o ang pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at mga enclosed places.

Ito ang nakasaad sa probisyon ng EO 26 na hindi lang ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar ang dapat na hulihin.

Sakop din sa dagdag responsibilidad ng mga pulis ang tutukan ang mga establisyimento, mga retailer stores at maging mga kilalang ‘takatak boys’ na magbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad.


Maliban sa mga kagawad ng PNP, binibigyang direktiba rin ang Task Force Smoke-Free ng bawat munisipalidad at lungsod na ipatupad ang nabanggit na EO.

Batay sa probisyon ng Republic Act 9211, multang P5,000 o pagkakulong ng hindi hihigit sa 30 araw ang magiging parusa sa sinumang lalabag sa nilagdaang executive order na ipatutupad sa buong bansa.
DZXL558

Facebook Comments