Cauayan City, Isabela- Patuloy ang ginagawang pamamahagi ng tulong ng kapulisan ng Lungsod ng Cauayan para sa mga pamilyang higit na nangangailangan ngayong panahon ng pandemya.
Pinangunahan ito ni PLT Scarlette Topinio, tagapagsalita ng Cauayan City Police Station katuwang ang Cauayan City Nutrition Office sa pangunguna naman ni Ms. Mary Jane Yadao.
Ito ay bahagi pa rin ng Community Outreach program ng PNP na kung saan tumanggap ng grocery items ang kapulisan ang ilang pamilya sa barangay Nungnungan 1, Cauayan City, Isabela.
Bahagi rin ito sa pagdiriwang ng Women’s Month na may temang “Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran”.
Layon ng aktibidad na makapamahagi ng tulong para sa mga pamilyang higit na naapektuhan ng COVID-19 pandemic at ng mapalakas ng kapulisan ang kanilang magandang relasyon sa komunidad.
Facebook Comments