Cauayan City, Isabela – Dapat hindi tataas sa .2 gramo ng pulbura ang ginagamit sa paggawa ng mga paputok.
Bukod pa dito ay bawal din ang mga imported at walang etikitang paputok. Bawal din ang mga paputok na may kumbinasyon ng kemikal na Phosphorous at Nitrate.
Ito ang mga panuntunan na sinusunod ng PNP Cauayan sa kanilang ginawang pagpapatupad sa isinasaad ng Republic Act No. 7183 o ang batas na komokontrol sa pagbebenta, paggawa, distribusyon at paggamit ng mga paputok at ibang pyrotechnic devices.
Bukod pa ito sa Executive Order No 28 o Providing for the Regulation and Control of the Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic devices ni Pangulong Duterte.
Ito ang ipinaliwanang ni PCI Esem Galiza, pinuno ng Police Community Relation(PCR)/Police Information Office(PIO) ng Cauayan City Police Station sa ginawang panayam ng RMN Cauayan News.
Dahil dito ay marami silang nakumpiskang mga paputok mula sa designated selling area na matatagpuan sa National Hi-way, District 1 ng Cauayan City.
Abala din ang PNP Cauayan sa kanilang ginagawang “Oplan Tambuli” na kung saan ay sa pamamagitan ng public address system ay naglilibot sila gamit ang kanilang mobile patrol para impormahan ang mga Cauayeños tungkol sa pagkakatalaga ng firecracker designated zones at ng kanilang kampanya laban indiscriminate firing.