PNP CAUAYAN, PATULOY ANG IMBESTIGASYON SA NAWAWALANG LGBTQ MEMBER

Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Cauayan sa nawawalang miyembro ng LGBTQ na si Eljay Bautista, disi sais anyos at residente ng Brgy. Marabulig Uno, Cauayan City, Isabela.

Ayon sa tagapagsalita ng Cauayan City Police Station na si PLT Scarlette Topinio, hanggang sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na ulat sa biktima simula nang siya ay mapabalitang kinuha at isinakay sa itim na Monterro Sport na sasakyan sa bahagi ng Albano Street, ng Brgy. District 3, Cauayan City.

Nakikipag ugnayan na rin ang pulisya sa magulang ng biktima kung mayroon pang mga nalalamang impormasyon kaugnay sa pagkatao ng kanilang nawawalang anak upang sa ganon ay makatulong sa kanilang imbestigasyon.

Muli namang nanawagan ang himpilan ng pulisya sa mga nakakita sa hinihinalang pagdukot kay Eljay Bautista na huwag matakot magsumbong at makipagtulungan sa pulisya nang sa ganon ay maresolba na ang naturang insidente.

Pinapaalalahanan rin ang mga Cauayenyo lalo na sa mga kabataan na laging mag-ingat kapag lumalabas ng gabi sa bahay at laging impormahan ang mga magulang o malalapit na kaibigan sa kung anong lakad o pupuntahan upang sa ganon ay magkaroon din sila ng impormasyon sakaling may mangyaring masama o hindi inaasahan.

Facebook Comments