ILANG RESIDENTE NG BARANGAY NUNGNUNGAN 1, TUMANGGAP NG VEGETABLE SEEDLINGS MULA SA PNP

Cauayan City, Isabela- Muling namahagi ng biyaya ang mga kapulisan ng Cauayan sa ilang mga residente ng Lungsod ng Cauayan partikular sa barangay Nungnungan Uno.

Nagtungo ngayong araw, Marso 8, 2022 ang grupo ng kapulisan sa naturang barangay sa pangungunana ni PLT Scarlette Topinio, tagapagsalita ng PNP Cauayan para ipamahagi sa mga constituents ang vegetable seedlings tulad ng talong at camatis na masaya namang tinanggap ng mga nabigyan.

Ito ay bahagi pa rin ng kanilang Gulayan sa Barangay project H.E.A.L o “Help Ease Advertisities in Life”na inisyatibo ng Philippine National Police (PNP) na layong matulungan ang mga mamamayan ngayong panahon ng pandemya at ng mapangalagaan na rin ang kapaligiran at ng ating kalikasan.

Facebook Comments