Ipinagtanggol ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Gamboa ang Jolo PNP sa gitna ng panawagan na sibakin ang lahat ng mga tauhan nito kasunod ng nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.
Matapos din ang pahayag ni Senator Risa Hontiveros na ang hakbang ay para mapawi ang pagdududa na na-infiltrate ng Abu Sayyaf ang Jolo PNP.
Matatandaang inihayag ng militar na minamatyagan ng apat na sundalo ang mga terrorist bombers na nagpasabog sa Jolo nitong Lunes nang sila’y napatay ng 9 na pulis ng Jolo PNP noong June 29, 2020.
Pero ayon kay Gamboa, nananatili ang kaniyang kumpiyansa sa Jolo PNP, aniya hangga’t walang matibay na ebidensya na mag-uugnay sa mga pulis sa nangyaring pagsabog o patunay ng kapabayaan na humantong sa insidente ay mananatili ang kaniyang tiwala sa Jolo PNP.