PNP Chief Debold Sinas, dinipensahan ang pagkakaaresto sa anak ng napaslang na Anakpawis leader

449

Dumipensa si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas sa pagkakaaresto kay Amanda Echanis na anak ng napaslang na Anakpawis leader na si Randy Echanis.

Kasunod ito ng sunod-sunod na ispekulasyon nang pagkaaresto ni Amanda kasama ang kanyang isang-buwang gulang na anak sa Barangay Carupian sa Baggao, Cagayan kagabi.


Ayon kay Sinas, isang buwang inimbestigahan ng PNP ang ugnayan ni Amanda at ang asawa nito sa mga komunista.

Bukas naman ang PNP sa anumang imbestigasyon sa iligal na pagkakaaresto kay Amanda.

Kasabay nito, pinabulaanan din ni Sinas na planted ang mga matataas na kalibre ng baril na nakumpiska sa bahay ni Amanda.

Kapwa kasi aniya batid ng PNP at Philippine Army na miyembro ng underground si Amanda habang leader naman ng armed communist group na New People’s Army (NPA) ang asawa nito.




Facebook Comments