PNP Chief Debold Sinas, walang babaguhin sa mga patakaran ng PNP

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas na magpapatuloy lamang ang mga kasalukuyang mga programa sa kanilang organisasyon.

Sa ambush interview sa Camp Crame, sinabi ng bagong upong PNP Chief na wala siyang babaguhing polisiya.

Ipagpapatuloy na lang aniya ang mga kasalukuyang patakaran at pagbubutihan na lang ang pagpapatupad nito.


Kabilang na rito ang maigting na kampanya laban sa iligal na droga, krimen, terorismo at internal cleansing sa PNP.

Kasunod nito, umapela si Sinas ng suporta mula sa mga pulis sa kanyang pamumuno sa hanay ng pambansang pulisya.

Facebook Comments