“Unforgiving” para kay Philippine National Police Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa kontrobersyal na 990-kilo drug raid sa Maynila noong 2022.
Ayon kay PNP Spox at PRO3 RD PBGen. Jean Fajardo, maliban sa utos na siguraduhing maisisilbi ang warrants of arrest sa mga aktibong pulis na sangkot, tiniyak din ni Gen. Marbil na tuluyang madi-dismiss ang mga ito sa serbisyo.
Sinabi pa ni Fajardo na well accounted ang 20 aktibong pulis kung saan 5 rito ay nakatalaga sa NCRPO, 4 sa Region 1, 2 sa CALABARZON, 3 sa MIMAROPA, 1 sa Central Visayas, 1 sa Civil Security Group, 3 sa PNP Headquarters Support Service at 1 sa Personnel Holding and Accounting Unit.
Kasunod nito, patuloy ang panawagan ng Pambansang Pulisya sa publiko na suportahan ang kanilang pagsisikap na linisin ang kanilang hanay at ibalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis.