PNP Chief, naniniwalang sapat ang kakayanan ni dating DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II para mamuno sa NAPOLCOM

Photo Courtesy: Philippine National Police Facebook Page

Welcome sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ang ginawang pagpili ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II bilang Commissioner ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Sa isang official statement, sinabi ni PNP Chief General Debold Sinas na bilang isang abogado at pagiging bihasa sa batas at legal procedures ni Aguirre, makakatulong ito para sa mas professional advantage ng NAPOLCOM.

Sinabi pa ni Sinas na siya bilang PNP Chief at ex -officio member ng NAPOLCOM, ipinapaabot niya ang kanyang pagbati kay Aguirre.


Matatandaang nitong January 2, 2021 ay pumanaw na si NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao at pansamantalang pumalit sa kanyang iniwang pwesto si Commissioner Felizardo Serapio Jr.

Facebook Comments