Friday, March 13, 2026

PNP Chief Nartatez, iniutos ang pagsasampa ng matibay na kaso laban sa dismissed na pulis at kasabwat kaugnay ng pamamaslang sa pulis Bulacan

Iniutos ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagsasampa ng matibay na kaso laban sa isang dismissed police officer at sa kasabwat nito na sangkot sa pamamaril sa isang police officer sa Guiguinto , Bulacan.

Si Police Master Sgt. Jose Uring, 50 taong gulang , myembro ng Bulacan Provincial Intelligence Unit ay binaril ng malapitan noong Marso a-8 sa isang basketball court sa Brgy. Panginay habang isinasagawa ang isang pagpupulong sa Brooklyn Heights Homeowners Association.

Si PMSg Uring ay nagsilbi sa kanyang pangalawang taon bilang presidente ng nasabing asosasyon .

Samantala, sugatan naman sa nasabing insidente ang isang 54 na taong gulang na sibilyan.

Ayon kay Nartatez, ang pagkakaaresto sa nasabing mga suspek ay nagpapakita ng humuhusay na investigative at operational na kapasidad ng mga police officer sa pagdakip sa mga kriminal at ibang lumalabag sa batas.

Kaugnay nito, kinakalap na ng mga otoridad ang mga ebidinsya ,pakikipagpanayam sa mga witnesses at paghahanda para sa pagkaso ng murder and frustrated homicide sa mga nasabing suspek.

Facebook Comments