PNP Chief Torre, kumasa sa suntukang hamon ni Davao City Mayor Baste Duterte

Hindi inurungan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Nicolas Torre III ang hamon ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ng suntukan.

Ayon kay Torre na imbes na personalan, pwede itong gawing isang “charity boxing match” na magbebenepisyo sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo at baha.

Sinabi ni Torre na puwede nilang gawin sa Linggo sa Araneta ang nasabing 12 rounds na charity boxing match.

Giit ng PNP chief, bukas siya sa ideya basta’t para sa mabuting layunin at hindi lang basta patutsadahan sa media.

Iminungkahi pa ni Torre na gawing referee si boxing legend Manny Pacquiao.

Hindi pa malinaw kung seryoso ang panig ni Mayor Baste, pero ayon kay Torre, handa siyang makipagsuntukan para sa kapakanan ng taong bayan sa ring at hindi sa lansangan at basta’t ito’y boxing for a cause.

Facebook Comments