PNP-CIDG, patuloy na nakakatanggap ng reklamo sa anomalya sa distribusyon ng SAP

Nadagdagan pa ang reklamong natatanggap ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kaugnay sa mga anomalya sa distribusyon ng cash aid para sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno.

Sa ulat ng PNP-CIDG, simula April 1 hanggang July 10, 2020, umabot na sa 300 kaso ang kanilang naitatala.

Ang mga ito ay isinampang reklamo ng 619 complainants laban sa 916 suspek, kabilang na rito ang 385 elected public officials.


Sa tatlong daang (300) kaso, 51 ay under investigation, 201 ay naisampa na sa iba’t ibang korte, lima ay inihahanda na ang pagsampa ng kaso, anim ay inendorso sa ibang ahensya ng gobyerno at 37 kaso ay hindi na naisampa dahil sa iba’t ibang mga valid reason.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang distribusyon ng second tranche ng SAP cash aid para sa mga pamilya na lubhang apektado ng community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments