Manila, Philippines – Nakakumpleto na nang isangdaan pulis ang PNP Counter Intelligence Group para kanilang makakasama na itatalaga sa National headquarters sa Camp Crame.
Ang mga ito ay magsagawa ng assessment at operasyon laban sa tiwaling mga pulis nakatalaga dito sa National Capital Region.
Ayon kay Counter-Intelligence Task Force (CITF) Spokesperson Police Chief Insp. Jewel Nicanor na kung sa national headquarters ay binubuo ng isangdaang pulis ang CITF, siyamnapung pulis naman sa Luzon, 60 sa Visayas at 40 pulis sa Mindanao.
Sa Luzon aniya ay nalalapit na ring mapunan ang 90 pulis na mapapabilang sa CITF kaya posibleng sa buwan ng Mayo ay mag-operate na rin ng CITF Luzon.
Sa ngayon sa mga PNP regional directors muna nila ipinapasa ang mga reklamo o sumbong na natatangap nila laban sa mga pulis na nakatalaga sa lalawigan.
Ito ay dahil sa nagpapatuloy pa ang paghahanap ng CITF ng kanilang mga magiging miyembro nationwide.
Una nang sinabi ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na kailangan ng matitino at malilinis na pulis ang mapasama sa CITF dahil masalimuot ang pagsasagawa ng internal cleansing.
Ang CITF ang pinamumunuan ng Sr. Supt. Chiquito Malayo na mismong pinili ni PNP Chief Dela Rosa at buong command group.