PNP-Drug Enforcement Group, gagamit na ng chemical spray sa pagwasak ng taniman ng marijuana

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police-Drug Enforcement Group sa mga lokal na pamahalaan para sa malawakang pagwasak ng mga plantasyon ng marijuana sa pamamagitan ng chemical spray.

Ayon kay PDEG Director Police Brig. Gen. Narciso Domingo, ang mga plantasyon na gagamitan ng chemical spray ay hindi na matutubuan pa ng mga marijuana seedling.

Bahagi aniya ito ng all-out operations ng PDEG laban sa mga marijuana cultivator.


Samantala, base sa datos ng PDEG mula Setyembre 12 hanggang 18 ay 72 law enforcement operations na binubuo ng 14 na buy-bust operations, 48 pagsisilbi ng warrants of arrests, 5 pagpapatupad ng search warrants at 5 marijuana eradications ang isinagawa ng PNP-PDEG.

Nakaaresto ang mga awtoridad dito ng 81 drug suspeks, nakarekober ng mahigit 61 kilo ng shabu at 720,000 tanim ng marijuana na may kabuuang halaga na P562 milyon.

Facebook Comments