Hong Kong, nakapagtala muli ng imported COVID cases mula sa Pilipinas

46

Nakapagtala muli ang Hong Kong ng 15 imported cases ng COVID-19 mula sa Pilipinas.

Ito ay bagama’t bumababa na ang kaso ng infection sa Hong Kong na umaabot na lamang ng halos 6,000 kada araw.

Bukod sa Pilipinas, nakapagtala rin ang Hong Kong ng imported cases mula sa United Kingdom, Thailand, United States of America at Indonesia.


Sa halos 6,000 bagong COVID cases sa Hong Kong, 135 dito ang imported.

Isa ring 2-taong gulang na COVID patient sa Hong Kong na may cerebral edema ang nasa malubhang kalagayan.

Facebook Comments