PNP Firearms and Explosive Office  Director na si Brig Gen Valeriano De Leon itinalaga bilang Regional Director ng Central Visayas o Region 7

777

Nakatakdang umupo bukas bilang Regional Director ng Central Visayas o PNP Region 7 si Brigadier General Valeriano De Leon.

 

Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac.


 

Si Brig Gen De Leon ay Director ng PNP Firearms and Explosives Office.

 

Pinalitan nito sa Central Visayas PNP si Brigadier General Debold Sinas na itinalaga naman bilang NCRPO Chief.

 

Si De Leon ay miyembro ng PMA Makatao Class of 1989 habang si Sinas ay miyembro ng PMA Hinirang Class of 1987.

 

 

Hindi pa tukoy ni Brig gen Banac kung sino ang papalit sa ibabakanteng pwesto ni De Leon bilang hepe ng PNP FEO.

 

Pansamantala munang magiging acting FEO chief ang Deputy Commander ni De Leon na si Police Col Westrimundo Obinque.

 

Dadalo naman si PNP Office in charge Lt General Archie Gamboa sa turn over ceremony bukas sa Cebu City.

Facebook Comments

From Advertisers