Ilagan City, Isabela- Patuloy ang paghihigpit ng PNP Ilagan sa pagpapatupad ng Election Gun Ban sa kanilang bayan alinsunod sa direktibang ipinalabas ng Police Regional Office 2 (PRO2) kamakaylan lamang.
Sa impormasyong ibinahagi ni Police Senior Inspector Arnold Bulan, Deputy Chief of Police ng PNP Ilagan sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan, sinabi nito mas magiging mapagbantay umano ang kanilang himpilan para matiyak ang seguridad at kapayapaan sa isasagawang Halalan ngayong 2018.
Ipinaaalala naman ni PSI Bulan ang mga ipinagbabawal na dalhin ngayong panahon ng eleksyon gaya ng mga baril lisensyado man o hindi, maging ang mga replica nito at maging mga patalim.
Aniya, kung sino man umano ang mahuhuli ng mga pulis na nagsasagawa ng chek points na nagdadala ng mga ipinagbabawal ay mapapatawan ng kaukulang parusa gaya ng Illegal Possession of Firearms.
Tiwala naman si PSI Bulan na magiging maayos at mapayapa ang kanilang bayan ngayon sa isasagawang halalan dahil sa nakaraang taon ay wala naman umanong mga naitalang karahansan na may kinalaman sa eleksyon sa kanilang bayan.