Inaasahan ng Philippine National Police (PNP) na magiging mapayapa ang pagdaraos ng unang State of the Nation address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay PNP Director for Operations Valeriano de Leon, ito ay kung ibabase sa nakaraang inagurasyon ng pangulo kung saan sa mga freedom park nagsagawa ng pagtitipon ang iba’t ibang mga miltanteng grupo.
Sinabi pa nito na para sa SONA ni PBBM sa Hulyo 25, pahihintulutan din ng PNP ang mga kilos protesta sa mga designated freedom parks sa lungsod ng Quezon.
Aniya, ginagalang ng PNP ang karapatang maghayag ng saloobin ng mga militante basta’t gawin lamang ito sa tamang lugar at wag manggugulo.
Ipapatupad din ng PNP ang maximum tolerance sa mga pagtitipon upang maiwasan ang alinmang komprontasyon.